dzme1530.ph

MUNGKAHING IHINTO MUNA ANG PANININGIL SA LAHAT NG BANK AT ATM TRANSACTIONS, BINUHAY SA KAMARA

Loading

Muling binuhay ni House Majority Leader Alexander “Sandro” Marcos ng Ilocos Norte, ang mungkahe nitong ihinto muna ang pag-charge sa lahat ng bank at ATM transactions.
 
Ang House Resolution 905 ni Marcos ay pinagtibay ng plenaryo bago mag-break ang sesyon ng Kongreso noong Marso.
 
Sa resolusyon hinimok nito ang mga bangko, remittance centers, at financial technology platforms na pansamantalang i-waive o bawasan muna ang transaction fees bilang kabawasan sa tumataas na bayarin.
 
Naniniwala ang batang Marcos na may malaking ginhawa ang hakbang na ito sa milyong Pilipino na umaasa sa daily financial transactions o digital system.
 
Sa ngayon ang interbank ATM withdrawal fees ay 18 pesos, habang ang online transfer charges ay umaabot hanggang 25 pesos per transaction.
 
Sinabi pa ni Marcos na ngayong apektado ang Pilipinas ng global oil price shocks, isama pa ang inflationary pressures, dagdag gastusin sa pamilya ng ordinaryong Pilipino ang mga bayaring ito.
 
Hinikayat ni Marcos ang BSP na manguna sa pagkumbinsi sa financial sector para i-adopt ang naturang relief measure.

About The Author