![]()
Bahagyang makakahinga ang mga motorista sa susunod na linggo mula sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng oil products magbuhat ng sumiklab ang tensyon noong Pebrero.
Batay sa resulta ng Mean of Platts Singapore (MOPS) trading sa nakalipas na apat na araw, sinabi ng oil industry source na tinaya sa P5.50 hanggang P6.50 kada litro ang ibababa sa presyo ng diesel habang piso sa gasolina.
Ang inaasahang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ay sa gitna ng dalawang linggong ceasefire na napagkasunduan ng Estados Unidos at Iran.
