dzme1530.ph

60 BILLION PESOS, ILALAAN NG PAMAHALAAN SA INCENTIVES SA ELECTRIC VEHICLES

Loading

Plano ng pamahalaan na maglaan ng 60 billion pesos para suportahan ang local manufacturing ng electric vehicles (EVs).
 
Sa sidelines ng Manila International Auto Show, sinabi ni trade undersecretary Ceferino Rodolfo na tinututukan ng gobyerno ang hakbang na bigyan ng incentives ang EV makers sa Pilipinas, sa gitna ng tumataas na demand sa electrified vehicles.
 
Idinagdag ni Rodolfo na plano ng pamahalaan na maglabas ng executive order para sa electric vehicle incentive strategy bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo.
 
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni trade secretary Ma. Cristina Roque na tatanggalin na ang revitalizing the automotive industry for competitiveness enhancement o RACE program para matutukan ang pagbibigay ng insentibo sa EV makers.

About The Author