![]()
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sinasabing panibagong hazing incident sa Philippine National Police Academy o PNPA.
Kaugnay nito, bubuo ang National Police Commission o NAPOLCOM ng team para tutukan ang pagsisiyasat.
Sinabi ni NAPOLCOM vice chairperson at executive officer Rafael Vicente Calinisan na hindi lamang ito alarming kundi malinaw na paglabag sa batas at insulto sa human dignity at hindi katanggap-tanggap.
Sa panig ng PNPA, tiniyak na naglatag na sila ng mga hakbangin upang maresolba ang insidente at mabantayan ang kapakanan ng mga apektadong kadete.
Kinumpirma rin ng PNPA na agad nabigyan ng medical attention ang mga kadete na nagtamo ng pinsala sa katawan at kasalukuyan ng nagpapagaling.
Ang mga sangkot naman ay nasa ilalim na ng kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group habang sinibak sa posisyon ang tactical officer of the day.
Naihain na rin ang mga kasong kriminal at administratibo laban sa tatlong PNPA cadets.
