![]()
Muling binalaan ng Philippine National Police ang publiko sa patuloy na pamamayagpag ng mga online investment scam.
Ito ay makaraang maaresto ang 14 na indibidwal na sangkot sa investment scam sa Santa Rosa City, Laguna.
Modus ng mga suspek na manghikayat ng mga miyembro sa online investment scheme kapalit ng malaking kita.
Ayon sa PNP-Anti-Cybercrime Group, bagama’t pababa na ang bilang ng mga kaso, nananatiling seryoso ang banta dahil patuloy na nagbabago ang taktika ng mga scammer.
