dzme1530.ph

DAMDAMIN NG TAUMBAYAN SA ISYU NG IMPEACHMENT VS VP SARA DUTERTE, MALINAW PARA SA ISANG KONGRESISTA

Loading

Klaro kay House deputy speaker Paolo Ortega V ang damdamin ng taumbayan sa isyu ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
 
Ayon kay Ortega, malinaw ang resulta ng WR Numero Philippine Public Opinion Monitor survey, sa tanong na “Ano ang basehan ng mga kongresista sa pagboto sa impeachment ni Duterte.”
 
Lumitaw sa survey na 42% dapat ikonsidera ng mga mambabatas ang opinyon ng sambayanang Pilipino, habang 29% ang nagsabi na ang boto ay dapat nakabase sa lakas o hina ng ebidensya.
 
Para kay Ortega, “damaging” sa mga tagapagtanggol ni Duterte ang resulta ng survey, dahil 22% din ng mga Pilipino ay naniniwala na malakas ang ebidensya laban sa VP, samantalang may 25% ang nagsabi na mahina ito at baseless.
 
Saad pa ni Ortega, isa sa bawat apat na Pinoy ay naniniwalang may basehan ang pagpapanagot sa pangalawang pangulo.
 
Hindi aniya ito biro dahil hindi ito maliit na numero, at lalong hindi patunay na kumbinsido ang publiko na inosente siya.
 
Hindi rin aniya nangangahulugan na ang 53% na laban sa impeachment ay naniniwalang inosente si Duterte sa bintang.
 
May 46% pa umano sa survey ang nagsabi na wala silang sapat na impormasyon sa nilalaman ng impeachment complaint, na ang ibig sabihin hindi pa sarado ang isipan ng publiko at naghihintay pa ng katotohanan.

About The Author