dzme1530.ph

DIOCESE OF KALOOKAN, HUMINGI NG PAUMANHIN SA PAGGAMIT NG BUHAY NA KALAPATI SA EASTER RITUAL

Loading

Humingi na ng paumanhin ang Diocese of Kalookan kasunod ng mga kritisismo sa naging pagtrato nila sa isang buhay na kalapati sa Easter Salubong ritual sa isang simbahan sa Malabon.
 
Naging viral ang video na nagpapakita ng kalapati na nakatali ang pakpak sa mga lobo bago pinakawalan bilang bahagi ng seremonya ng Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception.
 
Nilinaw ng simbahan na matagal nang bahagi ng kanilang tradisyon ang paggamit ng buhay na kalapati bilang alternatibo sa isang batang nagsisilbing anghel sa Easter ritual.
 
Subalit ang ginawa anya sa simbahan sa Malabon ay hindi rin katanggap-tanggap para sa kanila.
 
Nangako rin ang simbahan na ititigil na ang paggamit ng kalapati sa ritual.

About The Author