dzme1530.ph

SAPAT NA SUPLAY NG PRODUKTONG PETROLYO, MULING TINIYAK NG DEPARTMENT OF ENERGY

Loading

Tiniyak ng Department of Energy sa publiko na may sapat pang imbentaryo ng produktong petrolyo ang bansa sa gitna ng nararanasang global oil crisis.
 
Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin, ang kasalukuyang suplay ng bansa ay tatagal ng mahigit limampung araw habang may mga paparating pang shipment upang mareplenish ang stocks.
 
Ipinaalala naman ng kalihim na nagpapatupad sila ngayon ng mga bagong anti-hoarding rules na naglalayong maiwasan ang panic buying at matiyak ang sapat na suplay para sa buong bansa.
 
Sa ilalim ng bagong patakaran, ipinagbabawal sa mga gas stations na tumangging magbenta nang walang balidong rason o para lamang sa pagtatago ng kanilang imbentaryo.
 
Binalaan din ang mga consumer laban sa hoarding o pagbili ng sobra-sobrang dami ng produktong petrolyo.
 
Ayon sa kalihim, limitado na sa essential services kabilang ang fishing, farming at emergency operations ang bulk purchase ng langis gamit ang mga drum o tinatawag na jerry cans.

About The Author