![]()
Tiniyak ng Department of Migrant Workers na patuloy ang pagtulong nila sa mga Pinoy sa Iran sa gitna ng babala ni US President Donald Trump na sisirain ang buong sibilisasyon.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nakapokus ang gobyerno sa pagtiyak ng kaligtasan at kapakanan ng mga Pinoy sa pamamagitan ng on-site support.
Inihalimbawa ni Cacdac ang pamamahagi ng food packs at grocery goods sa mga nangangailangan.
Nagpapatuloy din aniya ang distribusyon ng gobyerno ng financial assistance sa mga nawalan ng trabaho.
Sa usapin ng seguridad, pinayuhan ng kalihim ang mga Pinoy sa Iran na sumunod lamang sa local safety protocols.
Bukod sa Iran, sinabi ni Cacdac na nagpalabas na ang Gulf states ng mga advisories para sa pag-iingat kabilang na ang curfew hours sa gitna ng kaguluhan.
