dzme1530.ph

DEPLOYMENT NG MGA OFW, BUMAGSAK SA GITNA NG TENSYON SA MIDDLE EAST

Loading

Bumagsak ang deployment ng overseas Filipino workers dahil marami ang nag-back out bunsod ng tensyon sa Middle East.
 
Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, marami rin ang hindi natutuloy ang deployment partikular sa hospitality, transport, construction at events management sectors.
 
Bukod dito, nakaapekto rin sa mababang deployment ang flight cancellations.
 
Sinabi rin ng kalihim na hindi accurate ang impormasyon na may 40,000 na stranded na OFW batay na rin sa report ng mga recruitment agencies.
 
Samantala, tiniyak ni Cacdac na may mga hakbangin sila upang tulungan ang mga displaced OFW kabilang na ang pagsasagawa ng mga job fairs at livelihood initiatives katuwang ang mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno.

About The Author