dzme1530.ph

DTI, BINAWASAN ANG OVERSEAS INVESTMENT MISSIONS SA GITNA NG KRISIS

Loading

Sinimulan ng bawasan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang international investment promotion activities upang makatipid.
 
Sinabi ni Trade Secretary Cristina Roque na kinansela ng ahensya ang planong investment mission sa Europe noong huling bahagi ng Marso, para sana makipagpulong sa prospective investors sa London at sa iba pang mga siyudad.
 
Regular na nagsasagawa ang DTI ng overseas missions, gaya ng “Create More” road shows, upang makahikayat ng high-level international investors at makipagpulong sa existing investors na planong mag-expand ng kanilang operasyon sa Pilipinas.
 
Gayunman, dahil sa tumataas na presyo ng langis ay nag-adopt ang ahensya ng iba’t ibang cost-cutting measures.

About The Author