![]()
Nakipag-bonding si Bea Alonzo at fiancé nito na si Vincent Co sa mga kaibigan ng aktres na sina Dimples Romana at Beatriz Saw.
Noong Easter Sunday ay ipinasilip ni Dimples sa Instagram ang ilang ganap sa kanyang Holy Week, kabilang ang precious family time at pakikipag-bonding sa mga kaibigan.
Isa sa mga litrato ni Dimples sa kanyang carousel post, ay kasama ang kanyang mister na si Boy, Bea, Vincent, at Beatriz habang nasa isang bahay.
Nanatiling mabuting magkakaibigan ang tatlong aktres matapos magkasama sa isang pelikula noon at palagi silang nagbabahagi ng kanilang tambay time sa social media.
Kamakailan ay pinag-usapan sina Bea at Vincent matapos maisapubliko ang kanilang legal names dahil sa marriage bans sa St. Peter the Apostle Parish sa Maynila.
August 2025 nang kumpirmahin ni Bea ang relasyon nila ni Vincent na presidente ng Puregold Price Club, Inc., kasunod ng maraming public sightings.
