dzme1530.ph

ALAMIN ANG IBA’T IBANG URI NG GAMOT SA ALLERGY AT ANO ANG NABABAGAY SA BAWAT SAKIT

Loading

Ipinapaalala ng mga doktor ang kahalagahan ng tamang paggamit ng mga gamot kontra allergy upang mabawasan ang mga sintomas tulad ng pagbahin, pangangati, sipon, at pamumula ng mata.
 
Kabilang sa mga karaniwang iniinom na anti-allergy medicine ang Montelukast na inirereseta para sa mga may allergic rhinitis at hika. Tinutulungan nito ang pag-block ng mga kemikal sa katawan na nagdudulot ng allergic reaction.
 
Isa naman sa mga mas kilalang antihistamine ang Levocetirizine na epektibo sa pagbawas ng pangangati, pagluha ng mata, at pagbahin. Kadalasan itong iniinom sa gabi dahil maaari itong magdulot ng antok.
 
Kasama rin sa mga inirerekomenda ng mga eksperto ang Fexofenadine na kilalang anti-allergy na hindi nagdudulot ng antok kaya mas pinipili ng mga taong kailangang manatiling alerto sa araw.
 
Ang Loratadine naman ay isa rin sa mga common na gamot sa allergy na nakakatulong sa pag-alis ng mga sintomas nang hindi rin nagdudulot ng matinding pagkaantok.
 
Hindi rin naiwan ang Cetirizine na isa sa pinakaginagamit dahil sa bilis ng epekto nito laban sa allergic reactions, bagama’t maaari rin itong magdulot ng bahagyang antok sa ilang tao.
 
Binibigyang-diin ng mga eksperto na bagama’t mabibili ang ilan sa mga gamot na ito nang walang reseta, mahalaga pa rin ang pagkonsulta sa doktor upang matiyak na angkop ang gamot sa kondisyon ng pasyente.

About The Author