![]()
Hinimok ng ilang opisyal sa Iran ang kanilang mamamayan na gumawa ng “human chains” sa palibot ng mga power plant upang mapigilan ang bantang pag-atake mula sa United States.
Sa X, ipinost ni Iranian Deputy Minister of Youth and Sports Alireza Rahimi ang isasagawang “Human Chain of Iranian Youths for a Bright Tomorrow” campaign sa Iran ngayong araw.
Kabilang sa mga naunang nabuo ang human chain sa harapan ng Kazerun Combined Cycle Power Plant.
Sa hiwalay na post sa X, sinabi ni Masoud Pezeshkian na 14 million Iranians ang lumagda para isakripisyo ang kanilang buhay upang ipagtanggol ang kanilang bansa.
