dzme1530.ph

UNEMPLOYMENT AT UNDEREMPLOYMENT RATES NG BANSA, BUMABA NOONG PEBRERO

Loading

Bumaba ang unemployment at underemployment rates sa bansa noong Pebrero.
 
Sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba sa 5.1 percent ang jobless rate noong Pebrero na mas mababa sa 5.8 percent noong Enero.
 
Katumbas ito ng 2.66 milyong Pinoy workers ang walang trabaho noong Pebrero.
 
Ang underemployment rate naman noong Pebrero ay naitala sa 11.8 percent na mas mababa rin kumpara sa 13.2 percent noong Enero.
 
Katumbas ito ng 5.84 milyong workers ang underemployed.
 
Nilinaw ng PSA na kasama sa underemployed ang mga mayroon nang trabaho subalit naghahanap pa rin ng extra jobs o extra work hours.

About The Author