![]()
Hindi katanggap-tanggap para kay Pope Francis ang banta laban sa populasyon ng Iran.
Reaksyon ito ng Santo Papa sa sinabi ni US President Donald Trump na buong sibilisasyon ang mamamatay kung walang mabubuong deal para sa muling pagbubukas ng Strait of Hormuz.
Una nang direktang umapela si Pope Leo kay Trump noong nakaraang linggo, at hinimok na humanap ng “off-ramp” para matigil na ang kaguluhan sa Middle East.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa labas ng kanyang tahanan sa Castel Gandolfo, Italy, nanawagan ang Santo Papa sa mga mamamayan sa buong mundo na kontakin ang kanilang political representatives at hilinging tapusin na ang regional conflict.
Ipinaalala rin ni Pope Leo na ang pag-atake sa civilian infrastructure ay labag sa international law.
