dzme1530.ph

REKOMENDASYON SA SUSPENSYON NG FUEL EXCISE TAX, TINALAKAY SA PULONG NG UPLIFT COMMITTEE

Loading

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang meeting ng Uplift Committee para rebyuhin ang mga rekomendasyon sa posibleng suspensyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
 
Pinulong ni Marcos ang matataas na cabinet officials, gaya nina Executive Secretary Ralph Recto, Energy Secretary Sharon Garin, DSWD Secretary Rex Gatchalian, Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan, at iba pa.
 
Tinalakay nila ang mga karagdagang hakbang para makapagbigay ng mas mabilis na tulong at maibsan ang epekto ng tumataas na oil prices sa mga commuter, manggagawa, at pamilya.
 
Gayunman, wala pang inilalabas na detalye ang Malacañang sa desisyon ni Pangulong Marcos hinggil sa rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee.

About The Author