dzme1530.ph

300,000 BARRELS NG DIESEL, DARATING SA BANSA SA BIYERNES

Loading

300,000 barrels ng diesel ang inaasahang darating sa bansa sa Biyernes, ayon sa Department of Energy (DOE).

 

Una nang inihayag ng ahensya na tatlong batch ng shipment na tig-300,000 barrels ang ide-deliver sa bansa ngayong Abril para sa kabuuang 900,000 barrels.

 

Sinabi ni Energy Undersecretary Alessandro Sales na ang first cargo ay manggagaling sa Malaysia sa pamamagitan ng Singapore trader.

 

Ang susunod na dalawang batch ay inaasahang darating sa second at third week ng Abril.

About The Author