dzme1530.ph

BINI, MAY 45-MINUTE SET SA MOJAVE TENT SA KANILANG COACHELLA DEBUT

Loading

Naghahanda na ang BINI para sa kanilang Coachella debut, kung saan kumpirmadong magpe-perform sila ng 45-minute set sa Mojave Tent.

 

Kahapon ay inanunsyo ng Coachella Valley Music and Arts Festival sa social media platforms ang detalye ng nalalapit na performance ng P-pop powerhouse at iba pang artists.

 

Magtatanghal ang BINI sa Sabado, April 11, 7:15 a.m. hanggang 8 a.m., oras sa Pilipinas.

 

Gumawa ng kasaysayan ang Nation’s Girl Group bilang first Filipino homegrown act na magpe-perform sa naturang international music festival.

 

Kumpirmado na rin ang pagtatanghal ng BINI sa “Global Spin Live” ng Grammy Museum sa April 21.

About The Author