![]()
Naging makabuluhan ang Holy Week break ni Kim Chiu matapos niyang makumpleto ang short business course sa Paris.
Para sa kanyang latest milestone, binati si Kim ng kanyang kapwa hosts sa “It’s Showtime” sa Monday episode ng noontime show.
Binigyang-diin ng actress-TV host na ang kanyang desisyon na mag-aral ng short course ay nag-ugat sa kanyang kagustuhan na ipagpatuloy ang learning at improvement.
Aniya, hindi dapat tumigil sa kung ano lang ang alam natin sa buhay. Idinagdag pa ni Kim na marami pa siyang pinag-aaralan para sa future marketing purposes at business ventures.
