![]()
Nahigitan ng Artemis II mission ng NASA ang record para sa pinakamalayong human travel mula sa Earth.
Nalampasan ng apat na astronauts na sakay ng Orion spacecraft ang dating record na 400,171 kilometers o 248,655 miles ng Apollo 13 noong April 1970.
Narating ng misyon ang malayong bahagi ng Buwan sa maximum distance na 406,788 kilometers o 252,760 miles mula sa Earth.
May mahigit anim na oras ang crew para i-analyze at i-document ang lunar surface features, at babalik sa Earth ang Orion capsule sa pamamagitan ng “free-return trajectory.”
Inaasahang tatagal ang return trip sa loob ng apat na araw.
