dzme1530.ph

PALASYO, INIREKLAMO SA DOJ ANG NASA LIKOD NG FAKE NEWS NA ENERGY LOCKDOWN

Loading

Nagsampa ng reklamo si Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez laban sa umano’y nagpakalat ng maling balita tungkol sa energy situation sa bansa.
 
Kanina ay nagtungo si Gomez sa Department of Justice (DOJ) sa Maynila para irekla mo ang nasa likod ng Facebook page na “Malasakit News Pilipinas” na umano’y nag-post ng maling impormasyon hinggil sa energy lockdown.
 
Una nang nagbabala ang Palasyo laban sa mga gumagawa ng maling kwento tungkol sa idineklarang “national energy emergency” na mananagot sila sa batas.
 
Ipinaalala ni Gomez na ang paglalahala ng fake news ay may katapat na parusa sa ilalim ng Revised Penal Code at Cybercrime Prevention Act.

About The Author