dzme1530.ph

MATAAS NA PRESYO NG LANGIS, MATAGAL NA TITIISIN NG MGA PILIPINO, AYONG SA DATING ENERGY CHIEF

Loading

Mahabang panahon na titiisin ng mga Pilipino ang mataas na presyo ng langis.
 
Ito, ayon kay dating Energy Secretary Jericho Petilla, ay kahit matapos na ang kaguluhan sa Middle East, tax cuts, at government interventions.
 
Sa kanyang fearless forecast, sinabi ni Petilla na huwag nang umasa pa na babalik sa 61 pesos per liter ang fuel prices.
 
Sa pagtaya ni Petilla, posibleng nasa P100 o lagpas nang kaunti sa P100 ang presyo ng kada litro ng diesel, habang mas mababa nang kaunti sa P100 ang gasolina kapag bumalik na sa normal ang lahat.
 
Paliwanag ng dating energy chief, maraming infrastructure ang nasira sa mga refineries at oil extraction sa Middle East.
 
Binigyang-diin din ni Petilla na ang patuloy na pagsirit ng oil prices ay bunga ng external factors, kabilang ang geopolitical tensions at kawalan ng malinaw na timeline kung kailan matatapos ang kaguluhan.

About The Author