dzme1530.ph

INFLATION RATE NOONG MARSO, UMAKYAT SA 4.1 PERCENT

Loading

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo bunsod ng tensyon sa Middle East, tumaas sa 4.1 percent ang inflation rate noong Marso.

 

Ayon kay National Statistician at Philippine Statistics Authority Chief Claire Dennis Mapa, higit itong mataas kumpara sa 2.4 percent noong Pebrero at 1.8 percent noong March 2025.

 

Sinabi ni Mapa na pangunahing dahilan nito ang transport index na naitala ang inflation rate sa 9.9 percent.

 

Ang transport index aniya, partikular ang presyo ng produktong petrolyo, ay may 54.8 percent share sa overall uptrend.

About The Author