![]()
SUPORTADO ni Senador Sherwin Gatchalian ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew para sa mga menor de edad at mga indibidwal na walang kasamang nakatatanda sa mga lansangan sa Metro Manila.
Ayon kay Gatchalian, mahalagang hakbang ito upang maprotektahan ang kabataan laban sa iba’t ibang panganib na maaaring maranasan sa dis-oras ng gabi.
Binigyang-diin niya na nananatiling mataas ang banta sa kaligtasan ng kabataan kung patuloy silang papayagang gumala sa lansangan nang walang gabay.
Idinagdag pa ng senador na ang pagpapatupad ng curfew ay hindi lamang para sa proteksyon ng kabataan kundi bahagi rin ng pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa mga kalsada ng Metro Manila.
Sa ilalim ng panukala, inaasahang paiigtingin ng DILG at ng mga lokal na pamahalaan ang pagbabantay sa mga pampublikong lugar upang matiyak ang pagsunod sa curfew, kasabay ng paalala sa mga magulang na gabayan at bantayan ang kanilang mga anak.
Naniniwala si Gatchalian na sa pamamagitan ng magkakatuwang na aksyon ng pamahalaan at komunidad, mas mapapalakas ang seguridad at kapakanan ng mga kabataan sa rehiyon.
