dzme1530.ph

DATOS NA IPINARARATING KAY PBBM KAUGNAY SA SUPLAY NG LANGIS, PINATITIYAK NA KUMPLETO

Loading

HINIMOK ni Senador JV Ejercito sa mga ahensya ng pamahalaan na itigil ang “sugarcoating” o pagpapaganda ng ulat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
 
Sinabi ni Ejercito na mahalagang maibigay sa Pangulo ang tapat at real-time na impormasyon lalo na’t umiigting ang tensyon sa Gitnang Silangan.
 
Binigyang-diin ng senador na sa gitna ng krisis, hindi dapat minamaliit o pinapaganda ang mga ulat dahil maaaring humantong ito sa maling desisyon.
 
Ipinaliwanag niya na ang pagtaas ng presyo ng langis ay may domino effect—maaari itong magdulot ng pagtaas sa pamasahe, presyo ng pagkain, at iba pang pangunahing bilihin, na direktang tatama sa mamamayan.
 
Idinagdag pa ng senador na ang mga pagkaantala at kakulangan sa tugon ng pamahalaan ay kadalasang nagmumula sa hindi kumpleto o sobrang positibong ulat na nakakarating sa mga kinauukulan.
 
Hinimok din ni Ejercito ang mga kalihim ng departamento at iba pang opisyal na magbigay ng tumpak at batay sa aktuwal na datos mula sa ground level na impormasyon upang mapalakas ang pagtugon ng pamahalaan sa krisis.

About The Author