![]()
Tiniyak ng kampo ni Leyte Cong. Martin Romualdez na handa itong maki-cooperte sa mga otoridad bilang pagrespeto sa due process sa harap ng umano’y plunder complaint na inihahanda laban sa dating House Speaker.
Siniguro ni Atty. Ade Fajardo, lawyer-spokesman ni Romualdez, ang full cooperation sa Office of the Ombudsman sa oras na magsimula ang proseso.
Ayon sa abogado nalaman nila sa mga news report ang umano’y inihahandang complaint laban kay Romualdez.
Subalit paglilinaw ni Fajardo, wala pang ebidensya para sampahan ito ng kaso, wala pang probable cause, at wala pang determination of liability na kumukunekta sa ano mang ghost at substandard projects sa flood control.
Dagda pa nito, may tiwala sila sa Ombudsman na susunod ito sa ‘established legal standards’ sa pag-evaluate sa kaso.
Tiwala rin ang legal team ni Romualdez na mareresolba ang isyung ito base sa ebidensya at due process, at hindi sa pulitika at espekulasyon.
