dzme1530.ph

DTI, NAGLAAN NG 4 BILLION PESOS NA PONDO PARA SA LOAN PROGRAM NG MSMEs SA GITNA NG GULO SA MIDDLE EAST

Loading

Naglaan ang Department of Trade and Industry ng apat na bilyong pisong pondo para sa loan program sa micro, small, at medium enterprises sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East.

 

Ayon kay DTI Secretary Ma. Cristina Roque, umaasa silang makatutulong ang kanilang programa sa maliliit na negosyante na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

 

Sinabi ni Roque na maaaring umutang ang MSMEs ng mula 20 thousand hanggang 5 million pesos nang walang collateral upang magamit sa kanilang negosyo.

 

Maaari anya itong bayaran sa loob ng limang taon, kung saan hindi papatawan ng interes ang unang taon.

 

Tiniyak din ng kalihim na maaari pang madagdagan ang pondo kung kinakailangan.

About The Author