dzme1530.ph

PAGPAPANAGOT SA MGA NAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS, KINATIGAN NG KONGRESISTA

Loading

Kinatigan ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang banta ng Malacañang na pananagutin ang nagpapakalat ng fake news.
 
Ayon sa chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, ang sadyang pagpapakalat ng disinformation sa gitna ng energy emergency ay direct treat sa national stability kaya dapat lang silang kasuhan.
Umalma ang Presidential Communications Office sa kumalat na online advisory hinggil sa umano’y “energy lockdown” dulot ng Middle East tensions.
Para kay Adiong ang mga ganitong disinformation sa panahon na may problema sa fuel prices ay hindi harmless speech, dahil mapa-nganib ito na posibleng magresulta sa panic at pagbaliwala sa pagsisikap ng gobyerno.
Hindi ito disinformation kundi ‘direct attack sa public order at national stability.’
Ayon kay Adiong hindi ito dapat palampasin, at sino man ang may pakana ng sadyang pagpapakalat ng fake news sa panahon ng national emergency ay marapat lang ng parusahan ng naaayon sa batas.

About The Author