![]()
Tatlumpu’t isang sibilyan na binihag matapos ang pagsalakay sa isang simbahan sa Northwest Kaduna State ang nailigtas ng Army sa Nigeria.
Gayunman, limang indibidwal ang natagpuang patay sa lugar ng engkwentro.
Ayon sa Nigerian Army, nangyari ang pag-atake sa Easter church service sa Ariko Village sa Kachia Local Government Area.
Inihayag naman ng chairman ng Christian Association of Nigeria for Kaduna State na dalawang simbahan ang sinalakay sa Ariko Village noong Linggo.
Aniya, pito ang nasawi habang hinostage ng mga attacker ang hindi tukoy na bilang ng mga sibilyan.
