![]()
Hindi apektado ang relasyon ng bansa sa Estados Unidos, sa pagpayag ng Iran na dumaan sa Strait of Hormuz ang mga supply patungong Pilipinas.
Sa press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na nakausap niya si Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro hinggil sa naturang isyu, at wala naman aniya siyang nakikitang problema ang pamahalaan.
Ipinahayag ni Castro na batid naman ng Amerika ang sitwasyon ngayon ng Pilipinas, at maihahalintulad ito sa pag-aangkat ng langis mula sa Russia.
Binigyang-diin din ng Palace official ang matagal nang relasyon ng Pilipinas at Amerika na isinapormal noon pang July 4, 1946.
