dzme1530.ph

PATULOY NA PAGMAHAL NG FUEL PRODUCTS, PINANGANGAMBAHANG MAUWI SA FOOD CRISIS

Loading

Nangamba si Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, na posibleng mauwi sa food crisis ang problema sa patuloy na pagmahal ng fuel products.

 

Ayon sa chairman ng Committee on Higher & Technical Education, sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo, apektado na nito ang irrigation at mechanized farming, gayun din ang pagpalalaot ng mga mangingisda.

 

At kapag nagpatuloy pa ito, asahan ang pagbagsak ng produksiyon na magre-reflect sa presyo ng bilihin kung saan maraming vulnerable sector ang apektado.

 

Ilan sa rekomendasyon ni Acidre ay simulan na ang pamamahagi ng targeted fuel assistance sa magsasaka at mangingisda para masustain ang kanilang daily operations.

 

Madaliin ang investment sa alternative energy solutions gaya ng solar-powered irrigation at energy-efficient technologies na daan para mabawasan ang dependence sa fuel product.

 

Palakasin ang food production system sa paraan ng access sa inputs, pautang, post-harvest facilities, at farm-to-market linkages.

 

Mag-maintain ng food reserves, at palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng energy, agriculture at economic agencies para sa iisang response para sa kapakanan ng producers at consumers.

About The Author