dzme1530.ph

REKOMENDASYON SA SUSPENSYON NG FUEL EXCISE TAX, ISUSUMITE NG DBCC KAY PANGULONG MARCOS BUKAS

Loading

Isusumite ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang rekomendasyon sa posibleng suspensyon sa excise taxes sa petroleum products, bukas.

 

Kinumpirma ito ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, kasabay ng pagsasabing ang rekomendasyon ay subject sa approval ng Pangulo.

 

Sinabi ni Castro na magkakaroon ng pulong ang DBCC bukas kay Pangulong Marcos.

 

Ipinaalala naman ng Palace official na ang taxes ay “lifeblood” ng pamahalaan, kaya kailangang balansehin, aniya, ang lahat.

 

Sa ilalim ng Republic Act 12316, maaaring suspindihin o tapyasan ng Pangulo ang excise taxes sa petrolyo, batay sa rekomendasyon ng DBCC, sa pakikipag-ugnayan sa kalihim ng Department of Energy.

 

Maaaring ipatupad ang suspension o reduction sa loob ng maximum na tatlong buwan kapag ang average na presyo ng Dubai crude oil, base sa mean of Platts Singapore, ay umabot o lumagpas sa 80 dollars per barrel sa loob ng isang buwan.

About The Author