dzme1530.ph

T.O.P., INILABAS NA ANG KANYANG DEBUT SOLO ALBUM

Loading

Inilabas na ni T.O.P. ang kanyang debut solo album!

 

Ni-release ng dating BigBang member ang “TOP SPOT – ANOTHER DIMENSION” noong April 3.

 

Isa itong 12-track album tampok ang singles na “Desperado” at “Studio54.”

 

Ito ang first solo album ni T.O.P. mula nang kumalas siya sa BigBang.

 

Inilabas ito 14 taon matapos i-release ang kanyang digital single na “Doom Dada” noong 2014.

 

Si T.O.P. ay nag-debut kasama sina G-Dragon, Taeyang, Daesung, at ex-member na si Seungri sa BigBang noong 2006.

 

2023 nang ianunsyo ni T.O.P. ang kanyang pag-alis sa grupo, pati na sa YG Entertainment.

About The Author