![]()
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsama ng apat na parcel ng lupain sa umiiral na First Philippine Industrial Park (FPIP) II Special Economic Zone sa Sto. Tomas, Batangas.
Batay ito sa Proclamation 1206 na nilagdaan ng Pangulo noong March 30 at inilathala sa website ng Official Gazette.
Ang apat na parcel ng lupain ay mayroong aggregate area na 71,982 square meters na matatagpuan sa Barangay San Rafael.
Ang pagkakasama nito sa special economic zone ay inirekomenda ng Board of Directors ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA), alinsunod sa Republic Act 7916 o Special Economic Zone Act.
Ang FPIP na isa sa pinakamalaki at fastest-growing industrial parks sa bansa ay joint venture ng First Philippine Holdings at Sumitomo Corporation ng Japan.
