dzme1530.ph

KADIWA STORES, DAPAT PALAWAKIN PA

Loading

HINIMOK ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Agriculture (DA) na palawakin ang paglalatag ng mga Kadiwa store upang makapagbigay ng murang mga bilihin sa mga sektor na apektado kasunod ng sigalot sa Gitnang Silangan.
 
Ayon sa senador, dapat masakop ang mga geographically isolated and disadvantaged areas upang matiyak na ang mga vulnerable sectors tulad ng mga senior citizen, solo parent, Persons With Disabilities, at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ay may access sa mga pangunahing pagkain.
 
Binigyang-diin ni Gatchalian na mismong ang DA ang nagbigay ng projection na tataas ang presyo ng pagkain dahil sa pagmahal ng presyo ng petrolyo.
 
Ang panawagang ito ni Gatchalian ay kabilang sa mga mungkahi ng Senate PROTECT Committee, na kanyang pinamumunuan.
 
Binanggit din niya na ang isang mahalagang bahagi ng proyekyong Kadiwa ng Pangulo ay ang Rice for All Program, kung saan binibili ng gobyerno ang palay mula sa mga magsasaka at ibinebenta ang bigas sa mas abot-kayang presyo.

About The Author