dzme1530.ph

PAGBABAWAS NG BUWIS SA GITNA NG KRISIS, IGINIIT NG ISANG SENADOR

Loading

MULING iginiit ni Senador Imee Marcos ang agarang pagpasa ng panukalang naglalayong magbigay ginhawa sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbawas ng buwis.
 
Layun nito na maibsan ang matinding epekto sa presyo ng mga bilihing dulot ng krisis sa langis.
 
Sa ilalim ng Senate Bill No. 2005, isinusulong ni Marcos ang pagtaas ng income tax exemption sa ₱500,000 ng taunang kita mula sa kasalukuyang ₱250,000.
 
Isinusulong din ni Marcos ang pagtaas ng ceiling ng mga bonus, kabilang ang 13th month pay at iba pang benepisyo na hindi pinapatawan ng buwis, sa ₱200,000 mula sa kasalukuyang ₱90,000.
 
Kailangan anya ang naturang hakbang upang mas malaki ang maiuuwi ng mga manggagawang Pilipino sa gitna ng sunod-sunod na pagsirit ng presyo ng mga bilihin dahil sa krisis.
 
Idinagdag ng senadora na kung hindi kayang kontrolin at agarang mabigyan ng solusyon ng pamahalaan ang sitwasyon, dapat ay tiyakin man lang na mas malaki ang maiuuwing kita ng bawat Pilipino upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

About The Author