![]()
Walang naitalang major incident ang Philippine National Police sa paggunita ng Semana Santa.
Kabuuang 98,636 na pulis ang ipinakalat upang magbigay ng seguridad sa pagdagsa ng mga pasahero, mga deboto, at mga turista sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., generally peaceful ang naging paggunita sa Holy Week.
Ito ay sa kabila ng nangyaring shooting incident sa Puerto Princesa City na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang pulis at isang tauhan ng Bureau of Corrections nitong Biyernes Santo.
Ipinag-utos na rin ni Nartatez ang imbestigasyon sa insidente kasabay ng pagsailalim sa kustodiya sa apat na pulis na sangkot sa insidente.
Bukod dito, sinibak na rin sa pwesto si Puerto Princesa Police Office Director Col. Cristine Tabdi.
