dzme1530.ph

MAHIGIT 3.4 MILYONG PASAHERO, DUMAGSA SA MGA PANTALAN NOONG SEMANA SANTA

Loading

Mahigit 3.4 million passengers ang dumagsa sa iba’t ibang pantalan sa bansa sa panahon ng Semana Santa, ayon sa Philippine Coast Guard.

 

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, ang tala ay mula March 8 hanggang April 5 kasabay ng pagpapatupad nila ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2026.

 

Kabilang sa mga nakapagtala ng maraming pasahero ang pantalan sa Cebu, Iloilo, Aklan, Batangas, at Oriental Mindoro.

 

Samantala, ayon sa PCG, bumaba ang insidente ng mga pagkalunod sa 37 ngayong taon kumpara sa 53 noong 2025.

 

Kabilang sa mga biktima ang ilang indibidwal na lumangoy habang nasa ilalim ng impluwensya ng alkohol.

About The Author