dzme1530.ph

US PRESIDENT DONALD TRUMP, NAGMURA AT NAGBANTANG PASASABUGIN ANG IRAN SA MARTES KUNG MANANATILING SARADO ANG STRAIT OF HORMUZ

Loading

Nagbanta na may kasamang mura sa kanyang social media post si US President Donald Trump.

 

Sinabi ni Trump na pasasabugin ng Estados Unidos ang power plants at mga tulay sa Iran sa Martes kung hindi bubuksang muli ang Strait of Hormuz.

 

Tinapos ng US President ang kanyang Easter morning post sa Truth Social, sa pamamagitan ng mga salitang “Praise be to Allah.”

 

Inihayag din ni Trump na magsasagawa siya ng news conference sa Oval Office, matapos mailigtas ng US military ang dalawang US pilots na pinabagsak ang aircraft sa Iran.

About The Author