![]()
Aabot sa 19 billion pesos ang ire-release na loan refunds ng Government Service Insurance System o GSIS para sa mga miyembro at pensioners nito.
Ito ay sa ilalim ng ipinatutupad na Balik Ginhawa o loan moratorium through refund program bilang tulong sa GSIS members sa gitna ng oil crisis.
Batay sa datos, ang monthly loan amortizations ng mga GSIS members ay nasa 4,000 hanggang 39,000 pesos o katumbas ng 12,000 hanggang 117,000 sa loob ng tatlong buwan.
Saklaw ng programa ang loan payments mula December 2025 hanggang February 2026.
Hindi katulad ng traditional moratorium, nagpapatuloy ang GSIS sa koleksyon ng loan payments subalit ire-refund ang tatlong buwang amortizations bilang financial relief sa gitna ng patuloy na pagtaas ng epekto ng tensyon sa Middle East.
