![]()
Muling nanguna si Senador Bam Aquino sa talaan ng mga senador na pinapaboran ng taumbayan, batay sa 1st quarter survey ng Publicus Asia.
Batay sa survey, 59 percent ng mga respondent ang pumabor kay Aquino, kabilang ang 30 percent na nagsabing very favorable sa senador.
Mas mataas ito kumpara sa 54 percent net favorable rating na nakuha ni Aquino sa end-of-year 2025 survey kung saan siya rin ang nanguna.
Pumangalawa at pumangatlo naman ang kanyang mga kasamahan na sina Francis Pangilinan at Risa Hontiveros na kapwa may 50 percent rating.
Pasok naman sa top 10 most favorable senators sina Rodante Marcoleta, Bong Go, Raffy Tulfo, Ping Lacson, Robin Padilla, Alan Peter Cayetano at Ronald dela Rosa.
Ang 1st quarter survey ay isinagawa sa buong bansa bilang independent at non-commissioned survey mula March 21 hanggang 24 sa 1,509 registered voters.
