dzme1530.ph

ALAMIN ANG BENEPISYO NG POWER NAP

Loading

Ang power nap o maikling pag-idlip sa loob ng 10 hanggang 20 minuto ay may malalaking naidudulot na benepisyo sa katawan at isipan.

 

Ayon sa mga health specialist, ang power nap ay nakatutulong upang mapabuti ang alertness, memorya, at konsentrasyon.

 

Sa mga taong kulang sa tulog, ang maikling idlip sa hapon ay maaaring makabawas sa pagod at makapagpataas ng productivity.

 

Iwasan lamang na umabot ito ng mahigit 30 minuto dahil maaari itong magdulot ng sleep inertia. Kaya’t mas inirerekomenda ang mas maikling oras ng pagpapahinga.

 

Bukod sa pagpapalakas ng utak, nakikita rin ang mga benepisyo ng power nap sa puso.

 

Ilang pag-aaral ang nagsasabing ang regular na maikling pag-idlip ay maaaring makatulong sa pagbaba ng stress at pagbabawas ng panganib sa mga sakit sa puso.

 

Pinapayuhan ng mga eksperto na ang pinakamainam na oras para sa power nap ay karaniwan sa pagitan ng 1:00 PM hanggang 3:00 PM, kung saan natural na nakararanas ng pagbaba ng energy ang katawan.

 

Gayunman, binibigyang-diin na hindi dapat ipalit ang power nap sa sapat na tulog sa gabi.

 

Mahalaga pa rin ang 7 hanggang 9 na oras ng tulog upang mapanatili ang pangkalahatang kalusugan.

 

Paalala ng mga eksperto na ang tamang pag-idlip ay hindi katamaran, kundi isang paraan upang mapanatiling malusog ang katawan at isipan.

About The Author