![]()
Nagpapatuloy sa operasyon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX ang walong bus companies na una nang inakusahang iligal na nagtaas ng pamasahe.
Nilinaw ng PITX officials na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at Department of Transportation ang may kapangyarihan na magpataw ng parusa sa mga operators.
Ang terminal operator naman ang namamahala sa daily activities ng mga transport companies.
Sa gitna ng mga reklamo, ilang operators na ang nagbalik ng kanilang pamasahe sa standard levels.
Ihinalimbawa ang isang bus company patungong Daet ang nagbaba na sa 840 pesos ng pamasahe mula sa 925 pesos.
Gayunman, may isang kumpanya pa ang hindi nagpatupad ng rollback at nanindigan na ang kasalukuyang singil nila ay tugma sa kautusan ng LTFRB.
