dzme1530.ph

8 KUMPANYA NG BUS, IPINATAWAG NG LTFRB DAHIL SA ILIGAL NA PAGTATAAS NG PASAHE

Loading

Naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng Show Cause Order (SCO) laban sa walong kumpanya ng bus bunsod ng umano’y pagtaas ng pasahe nang walang pahintulot ng pamahalaan.

 

Sa statement, sinabi ni Vigor Mendoza II na nahaharap ang walong bus operators sa posibleng suspensyon at kanselasyon ng kani-kanilang Certificates of Public Ponvenience (CPC).

 

Binigyang-diin ni Mendoza na nauunawaan nila ang mga pagsubok na kinakaharap ngayon ng mga bus company at iba pang operators.

 

Gayunman, hindi aniya ito dapat gamitin bilang rason o palusot para lumabag sa mga umiiral na regulasyon sa pamamagitan ng mga commuter.

 

Ilan sa mga pinapagpaliwanag na bus company ay may rutang Bicol Region.

About The Author