dzme1530.ph

PNP, NAKA-HEIGHTENED ALERT NGAYONG SEMANA SANTA

Loading

Isinailalim ng PNP ang buong organisasyon sa heightened alert bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa.

 

Sa press briefing kanina, sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño na epektibo ang kanilang heightened alert kahapon, Linggo ng Palaspas, hanggang sa susunod na Lunes, April 6.

 

Halos 60,000 personnel, kabilang ang uniformed officers at force multipliers, ang ideploy sa buong bansa ngayong Mahal na Araw.

 

Ayon sa PNP, layunin ng deployment na ma-secure ang transport hubs, major roads, at iba pang mahahalagang lugar sa harap ng pagbiyahe ng mga Pilipino patungo sa mga lalawigan para magbakasyon.

 

Nakatutok din ang PNP sa pagbabantay sa 3,200 tourist destinations sa iba’t ibang panig ng bansa.

About The Author