dzme1530.ph

KAMPO NI VP SARA DUTERTE, HINDI TUTUTOL SAKALING MAY SAPAT NA BILANG ANG KAMARA PARA IAKYAT ANG IMPEACHMENT COMPLAINT SA SENADO

Loading

Tuloy lang ang House Committee on Justice sa impeachment proceedings sa kabila ng petisyon ng kampo ni VP Sara sa Korte Suprema.

 

Ayon kay San Juan City Rep. Ysabel Maria Zamora, vice chairperson ng justice panel, dumarami ang sumusuporta sa hanay ng mga kongresista, at patuloy din sila sa pangangalap ng ebidensya.

 

Hindi na umano sila nagulat pa sa legal challenge na ginawa ng mga abogado ng Bise Presidente dahil normal lamang sa mga ito na subukan ang lahat ng pwedeng remedyo.

 

Klaro naman kay Zamora na guided sila ng 1987 Constitution at House Rules on impeachment.

 

Kahit na umano lumilitaw ngayon na may sapat na silang numero, kailangan pa rin nilang determinahin ang probable cause na siyang sinasaad ng House Rules.

 

Matatandaang itinakda ng komite ang mga petsang April 14, 22, at 29 para sa impeachment proceedings, at hangga’t walang TRO mula sa Supreme Court, walang makakapigil sa kanila.

About The Author