dzme1530.ph

LIBRENG TOLL SA CAVITEX-C5 SEGMENT, LIBRE SA BUONG BUWAN NG ABRIL

Loading

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na simula sa Miyerkules, April 1 ay libre ang toll sa kahabaan ng CAVITEX-C5 segment.
 
Sinabi ng Pangulo na magiging libre ang toll sa dalawang kilometrong expressway sa buong buwan ng Abril.
 
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos nitong pangunahan ang pagbubukas ng CAVITEX-C5 Expressway Segment 3B kaninang umaga.
 
Sa pagbubukas ng kalsadang ito, aabot na lamang sa 15 minuto ang biyahe mula sa Taguig City hanggang Parañaque City na dating inaabot ng isa’t kalahating oras.
 
Kabuuang 36,000 na sasakyan ang inaasahang daraan sa expressway kada araw.

About The Author