![]()
Inatasan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang militar na palawakin pa ang kanilang operasyon sa southern Lebanon, dahil sa patuloy na pagpapakawala ng rockets ng grupong Hezbollah.
Ginawa ni Netanyahu ang pahayag sa isang video statement mula sa Israeli Northern Command.
Tumanggi naman ang kanyang opisina na magbigay ng karagdagang detalye, dahil hindi pa umano natatalakay ng security cabinet ang naturang usapin.
Noong nakaraang linggo ay inihayag ng Israel na pinalawak nila ang “buffer zone” hanggang sa Litani River.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung ang tinutukoy ni Netanyahu ay ang naturang lugar o pagkubkob sa karagdagang teritoryo.
