dzme1530.ph

AGARANG PAGBABAWAS NG VAT SA ESSENTIAL FOOD ITEMS AT REPORMA SA ELECTRICITY PRICING, IPINANAWAGAN

Loading

Nanawagan na si Cavite 2nd Dist. Rep. Lani Mercado-Revilla para sa agarang pagbabawas ng VAT sa essential food items at reporma sa electricity pricing.

 

Ayon sa mambabatas, para maibsan ang pasanin ng pamilyang Pilipino, kailangang seryosong ikonsidera ang pagbabawas o pag-suspindi ng VAT sa sardinas, itlog, tinapay, kape, asukal at bigas.

 

Ang food items na ito ang kinokonsumo umano araw-araw ng milyong Pilipino mula sa middle class at low-income sectors.

 

Iginigiit din ni Mercado-Revilla ang pag-revisit sa TRAIN Law para tiyakin na hindi ito nagiging pabigat sa pamilyang Pilipino.

 

Aniya, sa gitna ng krisis, dapat pinoprotektahan ng estado ang purchasing power ng mamamayan.

 

Hiniling nito ang approval ng HB No. 6976 para tanggalin ang system loss charges sa elektrisidad na ipinapasa sa consumers.

 

Hindi aniya dapat pinapapasan sa consumers ang system loss dahil inefficiency ito na dapat ang mga power firms ang sumasagot at hindi ang taumbayan.

About The Author